haii! kaninang umaga, nanood kami ng KONTRA-GAPI at wala kaming kaideidea kung ano ito. pagpunta namin ng covered court, i mean SR. MARIE MADELINE COURT, nakita namin ang mga ethnic instruments. so nakgaidea na kami kung ano yung papanoorin namin. pagupo namin ni gracia..
ako:feeling ko nakakaelibs yung pagtugtog nila.. gracia:[deadma]
sa floor kami nakaupo. nasa east kami ng court. yung mga Kontra-gapi nasa center nakaharap sa south. nung pumasok sila ng court, wala kaming pakialam. yung parang pinakaleader nila, kamuka lang ni OSAMA BIN LADEN o ni SADAM HUSSEIN [kung anuman yung spelling]. yun lang. tapos, sa kalagitnaan nung tugtugan,
tapos tumayo yung RONALD tapos kumakanta siya nang kung ano man yun. pagkanta niya,
karla:uy ang ganda ng boses!!! ako:[tawa lang..]
nakalimutan ko na kung pano naging "crush" nung mga tao yung JAYMAR. ang naaalala ko lang,
4th year [sa likod namin]:pagkatapos niyan papakasalan na kita.. kami ni karla:[nagtinginan at nagtawanan nang walang humpay]
sila gracia at bettina ata ang nagumpisa sa grupo namin nung kay jaymar. basta. eto yata yun:
bettina:ang cute nun.. may dimples. [na sinabi din nung 4th year sa likod namin]
ndi ko alam kung sino siya dun pero nakita ko na lang na may dimples siya nung nagsmile siya. siya pala yung nagtatambol. so ok.. nakaharap sila sa south pero nandun sa nakapwesto sa east, sa may side namin. so sa tagal na tumutugtog sila dun hindi namin nakikita yung mukha niya. may pakiramdam na ko na tinititigan ng lahat ng tao yung jaymar. kasi nung humarap ng ONCE as in wala pang isang second, ang daming nagtilian. hoo! sabay sabay pa sila. haii.. eto pa. nung malapit na ata silang matapos, ewan ko kung sino sa mga kaklase ko, sila sam at bea yata, tinanong nila yung babae na malapit sa kanila:
bea:ate ano pong pangalan niyo? [tinanong pa yung pangalan..palusot.. gusto lang malaman yung pangalan ni jaymar] babae:sally bea:ate sally ano pong pangalan nun, nung nakapurple? [tinuturo si jaymar malamang..] sally:jaymar
nung una mark nga lang yung narinig namin. tapos, si gian at si marmi tinanong din yung pangalan. kami sa likod tawa lang kami nang tawa. tapos, yung 4th year sa likod namin,
4th year:[nagbubulungan dahil tinatanong nila yung pangalan] kami:[ang sinabi namin] mark po.
tapos bigla nilang sinigaw yung pangalan.. sabi nila "KUYA MARK!!!" ata. haha!! lumingon ang jaymar, nagsmile at naghello with the waving hand. e nagtilian sila so halatang crush nila. pagtapos nun humarap siya sa katabi niya at parang FLATTERED NA FLATTERED siya. haha!!
nakalimutan ko... sa kalagitnaan nga pala, nakasmile siya at humarap siya nang matagal sa east at nagtilian nang malakas.. so dun mejo nahalata niya..
nang matapos sila.. tumayo sila at nagbow sa south. tapos nung humarap sa east [kung nasan kami]. hulaan niyo kung anong reaksyon nila.. nagtilian sila!!! hindi masyadong halata dun na si jaymar yung gusto nila dahil lahat sila nakaharap samin.
so yan na lang yung mga naalala ko.. may nangyari pa ata na tinilian si jaymar o humarap siya bago kumanta si MRS. DACUTAN. pero nung mga time na kumakanta si mrs. dacutan tumugtog siya bigla. habang tumutugtog yata siya, parang natatawatawa siya so nakasmile siya. oo yun ata yung tinilian siya.
eto.. nung tapos na sila. nagliligpit na sila, ang daming dumungong kay jaymar! grabe! daig pa niya ang artista. kwento ni gian: nagpaautograph daw sila ni marmi ata. tapos, tinanggihan daw sila ni jaymar. siguro parang pahumble. kasi hindi naman siya artista.. hehe.. pero meron na daw siyang sinignan so bumalik si gian at nagpaautograph sila ulit. grabe. eto pa nga daw,
[nagpapa-autograph ang marami] jaymar:para na kong artista nito ahh..
isa lang masasabi ko. kamuka niya nang konti si rico blanco. hindi ko na alam kung sino ang mas matino ang muka sa kanila. feeling ko si jaymar. talented pareho.. magaling kasi magtambol si jaymar. kayo na megdecide. :D