Profile

Call me Meg. I like Classical and
Rock music. I am possessive. I love two bands, Siesta and 17th Crisis.

Archives

July 2006
August 2006
October 2006
November 2006
December 2006
February 2007
March 2007
April 2008

Links

Abbey Bea Bettina BiancaB
BiancaV Cera Gelli Lia Ilena
Isang Kel Lara Gracia Nicole
Tenten Marmi Mika Lourdes
Pumkin Maan Marisa Rina Baj AteMel


Blogskins
Cbox
Blogger
iWebMusic

Tagboard




Feeling Good by Michael Bublé

Tuesday, November 07, 2006

Ito nanaman ulit ako. Ang secretary ni Meg Alcira. Actually, ako lang naman ang nagsasabi nito. Nakiusap si Meg na mag-post ako para sa kanya kasi gumagawa nga siya ng assignment, di katulad ko na natapos ko na. :))
Joke lang.
Kilala niyo naman ata kung sino to diba? Si Mika to. Para lang malaman niyo, ako ang secretary ni Meg pagdating sa blog na to. :))
Joke lang ulit.
Ito na siryoso na. Ngayong Miyerkules, nag-band practice si Agnes at ang bandang 17th Crisis. YAAY! :D Ito ang mga komedyang nangyari noong practice nila.
Taasan ng Kilay
Ng kumain sa Greenwich ang 17th Crisis, napagalaman nila (si Lourdes in particular) na sira ang pintuan ng CR dito. Wala siyang door knob. At dahil sa pesteng pintuan na yan, may tinaasan ng kilay at tinawan ang ating bidang si Meg na sa sitwasyong ito, tila isang kotrabida.
May pumasok na grupo ng Lourdesians sa Greenwich. Isa sa kanila ay nag-CR dun sa CR na may sirang pinto. Narinig na lang ng 17th Crisis nanagsisigaw ang Lourdesian na nasa CR kasi nga walang door knob doon at akala niya di na siya makakalabas. Kilala niyo naman si Meg diba? Di niya mapigilan ang tawa niya. Yun pa! (JOKE LANG MEG! :P)
Ng dumaan ang grupo ng Lourdesians sa tabi ni Meg (kasama na ang minalas sa CR, oo, buhay pa siya!) di nanaman napigilan ni Meg ang pagtawa.
Hanggang sa pagakyat ng mga Lourdesians sa hagdan at habang nagpapacute sa isang crew ng Greenwich, natatawa pa rin si Meg.
Nainis ngayon ang minalas sa CR. Nagdadabog! OH NO! Dahil siguro sa sobrang pagnanasa niyang sabunutan na ang ating bida, muntikan na siyang mahulog sa hagadanan.
At syempre, nahulaan niyo na ang katuloy. Tumawa nanaman si Meg. Maski ako nung kinukwentuhan niya ko. :P
Nagsumbong ngayon ang minalas sa CR at tinuro si Meg na natatawa sa isa niyang kaibigan na EX-theresian! Nako, umirap si ex-Theresian, masama ang tingin kay Meg. Biglang nawala yung tawa ni Meg at tumaray siya. Inirapan niya ang ex-Theresian.
At pagkatapos ikwento ni Meg sa akin ang mga ito, ito ang huling sinabi niya:
"OH WELL" :))
False Alarm
Pagkakain ng 17th Crisis sa Greenwich, tumungo na sila kay kuya Cesar para makapag-practice. Akala niyo ba tapos na ang komedya? Hindi pa no.
Habang naglalakad ang banda, may nakasabay silang grupo ng mga lalaking naka-uniform din. Naghabag ang ating bida na baka magpapractice din sila kay kuya Cesar! Agad niyang sinabihan ang mga kabanda niyang magmadali sa pagalalakad.
Pagdating sa isang kanto, laking tuwa at gulat ng banda ng lumiko ang mga naka-uniform na mga lalaki. Di pala sila tumutungo kay kuya Cesar.
"False Alarm!" ang wika ni Rona.
***
Ako'y munting tagapag salin lamang ng kwento ni Meg sa kanyang blog. Kung nagkamali ako sa aking pagkwento sa inyo, mapapalitan naman ito kaagad ni Meg. Ano, Meg? :P

meg :: 8:24 PM

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com